1.INSTRUMENTAL
Ang wika ay Instrumental kung ang sinasalita ay nakikiramay sa pangangailangan ng mga tao sa paligid lalo na kung may katanungan na kailangan sagutin. Ginagamit rin ito upang mangyari o maganap ang mga bagay-bagay tulad ng paguutos, pagsasalaysay o pagpapahayag, pagtuturo at pagkatuto sa karunungang kapaki-pakinabang, pagbibigay panuto, pangangalakal, paggawa ng liham pangalakal, at iba pa.
2.REGULATORYO
Nagagawa ng wika na kontrolin ang mga pangyayari sa kanyang paligid. Gumagabay sa kilos o asal ng mga tao.
Ito ay halimbawa ng Regulatori dahil ito ay isang paalala na mag ingat ang mga taong dadaan sa lugar na ito dahil sa nasabing paalala. Ito din ay kumokontrol sa kilos ng tao dahil sa paalalang yan siguradong may mga taong iiwas o mag iingat dahil sa nasabing gawain
3.INTERAKSYONAL
Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong sosyal.
halimbawa:
pasalita: pangangamusta
pasulat: liham pang-kaibigan
4.PERSONAL
nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
halimbawa:
pasalita: pormal o di-pormal na talakayan
pasulat: liham sa patnugot
5. HEURISTIKO
naghahanap ng mga impormasyon o datos.
halimbawa:
pasalita: pagtatanong
pasulat: survey
6.IMPORMATIBO
nagbibigay ng mga impormasyon.
halimbawa:
pasalita: pag-uulat
pasulat: balita sa pahayagan
MGA PARAAN NG WIKA
1.EMOTIVE
Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)- Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon.
2.CONATIVE
Panghihikayat (Conative)- Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensya sa iba sa pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
3.PHATIC
Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)- Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at makapagsimula ng usapan.
5.METALINGUAL
Paggamit ng kuro-kuro (Metaligual)- ginagamit ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng komentaryo sa isang kodigo at batas.
6.POETIC
Pag-ibig Nga Naman
Tunay ngang masarap magmahal. Ngunit sabi nga ng iba, higit na maganda sa pakiramdam ang minamahal. Nakabatay lang iyan sa kung ano ang iyong gusto. Kung gusto mong magmahal, ngayon pa lang magsabi ka na. Kung gusto mo naman ang ikaw ay mahalin, walang ibang daan patungo diyan kundi iyong katotohanang dapat ay may handang umibig sa iyo.
Pag-ibig… pag-ibig… lagi na lang sinasambit sa bawa’t usapan. Laging nakasingit sa bawa’t plataporma ng mga magkakaharap na isipan at bibig. Ngunit ano ba talaga ang pag-ibig? Tama na ba iyong makaramdam ka ng sabay-sabay na kabog sa dibdib habang papalapit ang isang nilalang na sa bawa’t araw na nilikha ng Maykapal ay siya ang nagbibigay-ligaya sa iyong puso?
Kapag minahal mo ang isang tao, sinimulan mo na rin siyang bigyan ng karapatang saktan ang iyong damdamin, alam niya man o’ hindi. Lahat ng kanyang kilos ay makakaapekto sa iyong puso. Kung may kasama siyang iba, bigla na lamang makakaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit ang iyong kalooban. Kung ikaw naman ang kinakausap, iniisip mong kayo lamang ang nilalang sa mundo.
Kapag nagmahal ka, dapat wala kang hinihintay na kapalit. Hayaan mo lamang na mahalin siya. Iyong isipin na ang pagmamahal ay walang kapantay na ligaya sa damdamin. Kalakip ng pagmamahal na iyong ibinibigay ay ang pagtanggap sa buong katauhan niya.
Patalinhaga (poetic)- Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag.